Nakasabay ko si Mat Evans sa Jeep
August 14, 2009Hindi ko alam kung tama yung spelling ng name niya, pero linagay ko yung title para rin sa parehong dahilan tulad ng mga iba kong post. PS. Ang cute pala niya…kaya lang parang siya ang pinaka-malungkot na tao sa buong mundo: nakabagsak ang dating slighlty-Afro na buhok, may lasong brown na naka-ribbon sa kanyang kaliwang braso, hawak ang cellphone sa parehong braso (indication na left-handed pala siya, Baka meant to be an artist talaga), may ID lace siya ng UP Diliman, at may suot na makapal na eye glasses.
Nagulat si Maria nang makita niya ang mga pangalang Narciso, Delilah at Aphrodite sa listahan ng ‘PINAKA-MALULUNGKOT NA TAO SA BUONG MUNDO’.
Kahapon ay umatend ako ng conference ni Chingbee Cruz sa Rizal Hall, UP Diliman tungkol sa Konseptong Genre Blending. Ilan sa mga Reactors ay sina Vlad Gonzales at Rolando Tolentino at siyempre si Jose Dalisay (Mga pangalang noo’y nakikita ko lamang sa mga libro at hindi kailan mang inisip na matatawan sa tunay buhay). Medyo ibang Chingbee ang nakita namin kaysa ang taong nag-lecture about sa Prose poetry sa LIRA. Ang ilang nabanggit niya sa conference ay nabanggit niya rin noon. Naka-ilang lagok din siya ng mineral water nang magsalita ang mga reactors lalo na si Rolando Tolentino.
Minsan na ring nasabi ni Chingbee Cruz noon na tanggap na niyang walang kita sa pagtula, “Why don’t you do something that we’re not paid for.” Gustung-gusto ko siyang tanungin kung pa’no niyang nagawang iwan ang medical profession, na isang bagay na natatakot akong pasukin at eventually iwan.
Hindi ko rin maintindihan… Ano ba ang nagtritrigger nitong kagustuhang magsulat (marahil tulad kong simula bata’y na supress nang magsasalita, kung saan lahat ng gusto mong sabihin ay mailalabas mo lang kapag nagpa-assignment ang teacher na gumawa ng conclusion o hypothesis sa science take-home experiment.
let’s go back sa conference…
Hindi pa ‘ko nagkaroon ng experience na minsang gumawa ako ng piyesa i.e. ay isang prosang exerpt sa isang dulang isinulat ko noon, at nang ipabasa ko sa iba ay iba ang tingin nila rito ay hindi ang genre na layunin kong ipakita, kung saan ito’y iklinase bilang creative non-fiction at para sa iba ito’y isang prose poetry. Dahil kapag nangyari sa’kin ito’y dinidiscard ko agad ang piyesa. Ayokong mamatay na may iniiwang problema sa mga babasa ng mga likha ko (Hahaha*)
Ngunit tulad ng mga nabanggit ng mga reactors, hindi ka naman uupo sa study table na may layuning magsulat ng piyesang maaaring ituring na kasama sa ibang genre. Halimbawa’y gagawa ako ng isang sanaysay na parang non-fiction at puno ng mga phrases at fragments, na pwede ring tawaging prose poetry. Ang layuning tulad nito sa pagsusulat ay maaring academic lamang (tila sa ganitong paraan na laman nabubuhay ang malikhaing pagsulat).
Ang pag-open sa isang bagong konseptong ito ay parang (ayon sa ilan) salungat sa mga rules na itinakda ng mga sinaunang manunulat. Kung saan ang attitude na ito ng mga modernong batang manunulat ay pinupuna ng mga matatanda at well-established na na mga writers tulad na lang ni Jose Dalisay na may nabanggit ukol sa edad, bilang isang batayan kung kailan ka dapat sumalungat sa mga rules o gumawa ng bago mong genre.
Sa psychology, ang scenario ito ay parang tagisan ng anak sa magulang at magulang sa anak kung saan ang anak ay nagiging rebelious dahil ang gusto niyang gawin ay hindi angkop sa batas (na sinet ng kanyang mga magulang), in result na mag-set siya ng mga bagong batas angkop sa kanyang gusto gawin o [maaring] kaya niya lang gawin.
Ang mga batang writer ay masyadong na-expose sa mga matataas na achievement ng mga early writers kaya ang naset sa isip nila ay gumawa rin ng isang bagay na hindi pa nagagawa ng iba, kung saan matatawag silang ‘kauna-unahang’. Masyadong nagiging obsess ang mga kabataan ngayon sa hanap ng makabagong paraan (na siyang kultura ng agham at teknolohiya, isang bagay na nilaanan ng boundary pag pinag-usapan na ang sining).
Hindi ko rin alam kung natatakot ang mga matatandang writers na hindi sila sinusunod at ang ideyang ito ay obviously isang masakit na bagay para sa isang magulang. Natatakot din marahil sila na ang likha nila’y hindi na rin maintindahan ngayon.
Nakakatawa…maganda nga itong pag-isipan…manonood din ako sa isang tabi at kasamang mag-iisip.


