Nakasulat sa likod ng aking upuan: PUSH TO EJECT CLASSMATE
July 24, 2009 
Kapag mababasa mo ang kanyang chart, 2 buwan palang, pinanganak sa bahay nila sa Olanggapo, at kapag hahanapin mo ang ina, kasamang nakaconfine sa parehong ward, nasa dulo, parang ikinahihiya ang kondisyon. Isang tingin palang sa kanya, masasabi mo na, “Pucha, alam ko na ang istorya nito!” Hindi mo na kailangang puntahan pa ang supervisor o chief nurse, diretso kana sa iba pang kamag-anak para sabihing, hindi maganda ng kalagayan ng pasyente…tama pasyente…pasyente ang kailangan mong gamiting salita, kahit masarap bigkasin ang pangalan niya. Kailangan mong ihiwalay ang sarili sa kahit ano mang koneksyon, dahil alam mong maari na sa isang linggat ang dibdib ng nag-aagaw buhay ay pagod nang nahimlay sa kamang nagsilbi na ring himlayan ng ilang libong pasyente.
At pag-uwi mo sa bahay, pagtawid mo mismo sa malawak na kalsada, muntik ka nang mahagip ng rumaragasang trak. Minura ka pa ng driver, na akala mong bababa para duruin ka pa o marahil bugbugin. Diretso ka lang sa paglalakad, supladang hindi lumingon sa likod. Ang bawat hakbang nagbabadyang paglayo sa nais mong balikan. Naisip mong isa ka lang nursing student, walang alam kundi mag-BP ng mga pasyenteng hindi naman naniniwala sa resulta ng iyong BP. Napag-isipan mong muntik ka na rin pa lang sumabit. Na-imagine mo ang sariling nadudurog sa ilalim ng gulong ng trak. Ang puti mong damit ay nangungutim hindi dahil sa alikabok sa daan kundi sa pinturang umaagos sa iyong katawan. Naimagine mo ang reaction ng mundo–patuloy pa rin itong iikot, kahit na hindi mo na makikita ang susunod nitong direksyon. Hangang sa huling sandali naisip mo ito.
Pag-uwi mo sa iyong bahay, ramdam mo na ang hapding dumudukal sa iyong mata. Ramdam mo ang bigat sa iyong dibdib, at hayan lumuha ka na…
Pa’no ba magpatawa?
July 5, 2009
Sa tula…
Kung ako’y mabubuhay sa teksto, paniguradong mula unang titik hangang sa pinakahuling bantas kahit bahagya’y walang mababasang nakakikiliti. Noong ako’y nasa elementarya, tinanong ako ng aking guro sa HELE kung marunong daw ba akong ngumiti o tumawa. Gayon din ang naging puna ng isa pang guro ko no’ng highschool at karamihan ng aking mga kaibigan ay madalas itong gawing biro.
Napagtatawanan ako…dahil hindi ako marunong tumawa?
Noon pa man, tuwing manonood ako ng TV, magbabasa ng libro sa klase o kahit makikipagusap sa mga kaibigan, kapag katatawanan na ang hihimukin lagi itong naiiba sa bawat indibidwal. Si Bob Ong, Tito Vic and Joey tandem, o ang ‘yong dakilang matandang guro na natatanging taong nakatatawa para sa ‘yo–sino ba talaga tamang basehan ng komedya? Marahil, ang mas angkop na tanong ay kung ano ang batayan para masabing ang isang tula ay nakatatawa (maliban na lang sa mga ilohikal o mala-balintuna nitong approach o mga mali-maling istraktura)?
Dahil sa malubhang problemang ito, naisip kong gumawa ng research gamit lang kung anong resources mayro’n ako ngayon: and dakilang kompyuter! Itinayp ko ang mga keword na “Nakakatawang Tula” sa google bar, dahil ang yahoo ay tila kuripot sa mga site (marahil dahil na rin sa security site filter para ma-block ang mga cache o cookies na naglalaman ng virus)
Mga resulta:
1. Mga kwentong tambay ng sira-ulo sa Timog Kaliornya [www.nicanordavid.com/…/d_frog.html]
::: ni Batj alias Elvis ng Quiapo; ito ay mga napost mahigit ilang taon na ang nakararaan. Bumungad sa akin ang mga maiikli at kakatwang tula tulad ng D’Frog at Ihi ng Butiki.
2. “Tula ni Juan”
::: likha ng isang blogger galing Illigan. Ang mga tula niya ay medyo nangungulang ng talinghaga at medyo tungkol sa paglilimi na misa’y maaring naisip lang gawin tuwing ang tao ay malungkot o may malalim na iniisip, at wala sa mga ito ang nakapagpatawa sa akin.
3. Ang Pinakamalas na tao sa buong mundo
::: pinangunahan ito ng tulang may Oxymoronic na pamagat na linyang “Kalbong Kulot” at sinundan ng iba pang walang sense na linya na marahil kapag binasa ko sa Palihan ng LIRA ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila…
*Ang pagpapatawa ba ay kailangang gumagagamit ng wikang dumadampi sa mga sensitibong bagay tulad ng sex o mga nakadidiring sakit o mga asong ulol na naglalaway sa kanyang sariling suka? Ang paggamit sa mga politiko at mga palpak na tauhan sa lipunan ay mas epektibong paraan para magpatawa? Ang komedya ba ay nalilimitahan ng mga lengwaheng kabaklaan o parang Bubble Gang with Angelina and Yaya? Ito ba ay pinaghaharian talaga ni Dolphy Quizon at ni Gloria Romero o kaya nila Pokwang at John Lapuz?
Ano ba talaga ang tunay na nakapagpapatawa sa tao?
Henyong bigote ni Michael Jackson
June 27, 2009
Hindi naman ito tungkol sa bigote ni MJ sa fashiorama ng mga eclavung bandingerzi* Ano naman ang paki-alam ko kung may bigote si MJ. Linagay ko lang iyon dahil alam kong nakapupukaw sa atensyon ng mga users at ibang bloggers…(I hope so)
Siguradong dagsa ang mga blog tungkol kay Michael Jackson, matapos mapabalita ang kanyang pagpanaw kaninang madaling araw sa Los Angeles, California dahil sa atake sa puso. Ilang minuto pagtapos itong mabalita, nakapost na sa facebook ang sangkatukatutak na pictures at video clips ni Michale mula ng siya’y sumikat.
Buti pa si Michael tinuturing na henyo kahit na puro kalokohan ang ginagawa nito sa kanyang buhay. Praning!
Sabagay, kung ikaw ay mayroong bilyun-bilyong dolyar sa bangko, sanlibutang tagahalik sa iyong paa, pangalang nakaukit sa kasaysayan at isang uranggutan katabi pagtulog, mahihibang ka ngang talaga.
Minsang nagquiz ako sa Quizilla.com sa tanong na anong klaseng mental disorder meron ako at ang resulta ay Deeply Disturbed na may picture ng nakakatakot na malumanay na ngiwi sa mukha ni Michael Jackson. Sa itsura pa lang niya, o sabihin nating medical condition iyon, ay magiging tampulan nga siya ng tukso sa holliwood at lagi nalang topic ng mga parody sa pelikula tulad na lang ng series ng Scary Movies.
Speaking of pelikula, what if gumawa ng biographical movie about MJ, sino namang artista ang gaganap nito? Si Brad Pitt? Tom Cruise? Mr. Bean? Marahil, walang magandang gaganap na MJ kung magkakaroon man ng movie, dahil si Michael Jackson ay hindi naman isang karakter lang sa pelikula. Siya ay isang henyo ng 20th century! Ibig sabihin dadaloy ang contribution niya sa music for the next 100 years. Mas maganda siguro kung documentary na lang ng mga contirbution niya ang gagawin nila sa halip na pelikula…
=)
Long live Michael in our hearts!
maPUSOk!
June 25, 2009Dahil sa isang kaibigan na nagrequest, tungkol daw sa pag-ibig ang i-post ko at ang nag-iisa kong reader ay maaring ganahang magbasa.
Kung tungkol sa lab layp ang pag-uusapan, kaunti lang ang alam ko diyan dahil aminado ako na medyo “care free” at “choosy” daw ako para umenter sa
isang relationship. Anyway-anyhow-anywhere marami namang tao ang tulad ko eh. Ibig sabihin nasa uso ako. Hehehe.
Isa sa mga kosepto ng lab ay ang sweet, corny, cheesy puppy love na minsa’y paboritong gawing commercial sa TV.
[Bata pa lang kumekerengkeng na!]
Kung ganito sana lahat ng labstory e ‘di sana wala ng nag-tetext tuwing gabi ng kung anu-anong love quotes, pwera lalagyan pa ng pangalan ng kung sinong kuwari’y awtor daw o scientist, e anagram lang naman ng pangalan ng jowa-jowaan nila yun… Ayun, buko!
Meron pang banat sa mga shout out sa friendster at facebook na pwera “I don’t want to fall in love anymore”.
Ani nga ni Angelina, “Whatever yaya.”
Siguro maiisip medyo judgemental ako dahil hinto ko pa nararanasan mapunta sa ganitong sitwasyon, pero sa totoo lang ito ang aking second blog at ang first blog account ko ay ibinaon ko na sa limot at burado na sa kasaysayan ng internet, dahil doon nakalagay ang lahat ng aking ka-bitteran. Pwera sinukal ko ang Sierra Madre pero kahit kailan hindi ko mahahanap ang papantay sa Mt. Everest.
Oo na… I’m a certified member of the love less at mga neurotic na langing punch line ay “this cruel world”. Buti na lang ang mabilis ang maturation ng aking mga cells at na revive niya ang mga butil butil ng aking Basal Ganglia para makapagproduce na ulit ng mga Happy hormones. Grabe, akala ko talaga noon masaya magpakamatay eh.
May punto talaga sa buhay ng tao na mararanasan ang mga immature na kabiguan tulad nito na balang araw magiging topic na lang sa reunion party ng mga college friends o mga kuwentong may-aral para sa ‘yong mga anak. Malalagpasan [mo] rin angmga problemang tulad nito.
5 bagay na libre sa mundo
5. Relihiyon / Pananampalataya
Sa mga di naman naniniwala (tulad ko), ibaba na ang mga kilay, dahil medyo totoo naman kahit papano. Maliban na lang sa IBANG mga sects na nangingikil ng buwis at pinalalabas na ito’y donasyon. Kung pamilyar ka sa konsepto ng pyschology, hindi maiiwasan ng tao na maykilingin na paniniwala, kahit na ito’y hango sa huni ng hangin o imbento ng mga announcer sa radyo.4. Pag-ibig

3. Utang

2. Pangarap

“Pogi mo, pare”
Libre ang mangarap, kahit na ilang beses ito ipagduldulan ng mga politiko na ani mo’y free promo kapag sila ay iyong iboboto, ang pangarap ay mananatiling hubad sa katotohanan. Isang katha, sa isip, haraya at marami pang iba.
1. Sakit








